-- Advertisements --

ecq

Sumampa na sa 50,416 na mga health protocol violators ang naitala ng Philippine National Police (PNP).

Ito ay sa kasagsagan ng 14 na araw na pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR plus.

Sa datos mula sa PNP, nangunguna sa mga paglabag ang hindi pagsusuot ng face shield na umabot sa 25, 752.

Sinundan ito ng mga hindi nagsuot ng face mask na 13,467 ang bilang.

Nasa 4,611 ang lumabag sa physical distancing; habang lumabag naman ang umaabot sa 6,245 sa RA 1332 o mandatory reporting of notifiable disease at 341 naman sa mass gathering.

Ang NCR, ang nangunguna sa pinakamaraming quarantine violators.

Ayon kay PNP spokesman B/Gen Ildibrandi Usana, magiging maluwag kaunti sa mga checkpoints, wala na ring gagawing pag-aresto ang mga pulis pwera na lamang kung kinakailangan talaga arestuhin ang isang indibidwal.

Sinabi ni Usana, matapos mabigyan ng warning o pagmultahin ay agad pakawalan ang mga na hold na indibidwal.

Dagdag pa ng heneral, regular pa rin ang pagpapatrolya na gagawin ng mga pulis sa mga pampublikong lugar ngayong Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) na sa NCR plus.

Sa virtual presscon sinabi ni Usana, mahigpit na tutukan ng mga pulis ang areas of convergence.

Kasama na rito ang mga palengke, terminal at iba pa.

Inatasan umano ang mga pulis na ipatupad ang health protocol partikular na ang social distancing, pagsusuot ng face mask at face shield.

Siniguro ng PNP magiging ‘flexible’ ang mga pulis at random na lang ang gagawin na inspeksyon para maiwasan ang pagbigat sa daloy ng trapiko.