-- Advertisements --
Umabot na sa mahigit sa 50,000 bahay ng mga suspected drug personalities ang nakatok kasabay ng pagpapatupad ng oplan tokhang revisited ng Philippine National Police (PNP).
Batay sa datos ng PNP Operations Center dito sa Camp Crame nasa kabuuang 55,087 na mga bahay ang nakatok ng PNP mula nang ibalik ang war on drugs nuong March 6.
Sa ilalim naman ng Oplan Double Barrel Reloaded ay nasa 1,577 na mga drug personalities ang naaresto habang nasa 979 na drug operations ang ikinasa laban sa mga high value target at 28 naman mga suspek ang napatay matapos manlaban umano sa mga pulis.