-- Advertisements --
Bigasan 2
epekto ng lindol

Pumalo na sa 50, 930 pamilya o nasa 254, 473 indibidwal ang naapektuhan sa serye ng malakas na lindol Mindanao.

Ito ang latest na datos na inilabas ng National Dissaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).

Ang mga apektadong pamilya ay mula sa 274 barangay sa Region 11 at region 12 kung saan 8,265 families o 39, 128 indibidwal ang nasa 47 evcuation centers.

Nadagdagan rin ang mga nasirang infrastracture na umaabot na ngayon sa 36,006 mula sa dating 34, 482 infrastractures.

Pinakamaraming nasira ay mga bahay na umaabot sa 34, 563.

Sa ngayon nagpapatuloy ang assessment ng NDRRMC para matukoy ang kabuuang pinsala ng lindol sa Mindanao.