ILOILO CITY- Nilamon ng apoy ang mahigit sa 50 kabahayan sa nangyaring sunog sa Zone 1, Barangay Old Airport, Mandurriao, Iloilo City.
Sa latest report ng Iloilo City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), nasa 45 mga bahay ang totally burned at 7 naman ang partially damaged.
Nasa 77 na mga pamilya naman ang apektado.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Fire Superintendent Christopher Regencia, Iloilo Fire Marshall, sinabi nito na inaalam pa ng BFP ang dahilan ng nangyaring sunog.
Umabot naman sa mahigit P1.4 million ang estimated na halaga ng pinsala na iniwan ng fire incident.
Napag-alaman na tumagal ng isang oras ang bago tuluyang naapula ng mga fire personnel ang apoy.
Nahirapan din ang mga bombero dahil dikit-dikit ang mga bahay na halos plywood lang ang pagitan at makitid din ang daan kung kaya’t hindi naging madali ang pag-penetrate ng mga tauhan ng BFP.