-- Advertisements --

ILOILO CITY – Itinuturing na milagro ng 51 mga pamilya ang kanilang pagkakaligtas sa nangyaring landslide at rockslide sa Barangay Dagsaan, Buenavista, Guimaras.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Jubylee Palaron, isa sa mga pamilya na nawasak ang tahanan, sinabi nito na nang mangyari ang trahedya, nasa loob siya ng kanyang bahay kasama ang kanyang mga anak.

Anya, inakala nila na kulog lang ang narinig na ingay hanggang sa nawasak na ang kanilang bahay.

Nadaganan naman ito ng yero ngunit kaagad na nakahingi ng tulong bago pa man tamaan ng malalaki pang bato mula sa bukid.