-- Advertisements --

Aabot sa higit 50 mga sasakyan ang natiketan ng Metropolitan Manila Development Special Operations Group- Strike Force.

Ito ay batay sa kanilang isinagawang anti-illegal parking operations habang bukod pa rito ang labing siyam na bilang ng mga sasakyan na nahatak kanina umaga.

Ayon sa ahensya, inikutan at sinuyod nila ang mga kalsada ng Panay Ave, Sct. Chuatoco, Doña Hemady, Betty Go Belmonte, Boston St., P. Tuazon, 20th Ave., Aurora Blvd., Katipunan Ave, Luzon Ave, Congressional Ave., at Tandang Sora sa Quezon City.

Bahagi ito sa pagpapatupad nila ng mga batas at regulasyon sa trapiko at upang matiyak na sumusunod ang publiko sa mga patakaran.

Bukod dito ay layunin din ng MMDA Special Operations Group- Strike Force na mapabuti ang kaayusan sa kalsada at gayundin ang pagtulong nila sa ating mga kababayan upang maiwasan ang anumang ksidente dulot ng kanilang maling pagpa-park ng sasakyan.