-- Advertisements --
Patuloy pa rin ang ginagawang monitoring ng mga kinauukulan sa 54 barangay sa probinay ng Cagayan at Isabela dahil sa posibleng senaryo ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Bunsod ito ng mga pag-ulan dahil sa umiiral na hanging amihan sa bahaging ng North Luzon.
Batay sa datos, ang mga barangay na ito ay sakop ng mga bayan ng Baggao, Abulug, Pamplona, at PeƱablanca sa probinsya ng Cagayan.
Habang sa Isabela naman , ang mga barangay na ito ay nasa mga bayan ng Divilacan, City of Ilagan, Maconacon, Palanan, San Mariano, at San Pablo.
Natukoy nga ang mga barangay na ito mula sa hazard map ng Mines & Geosciences Bureau o MGB-02 ng state weather bureau.