-- Advertisements --

LAOAG CITY – Mayroon ng 11 na bayan at dalawang lungsod dito sa Ilocos Norte ang apektado ng African Swine Fever (ASF).

Base sa lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte, ito ay higit 50 % sa kabuuang bilang ng LGU sa lalawigan ang apektado.

Dahil dito, sinabi ni Governor Matthew Marcos Manotoc na sisikapin ng lokal na pamahalaan na mabigyan ng tulong ang mga apektadong hog raisers.

Siniguro nito na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya para matulongan ang mga kababayan lalot nagsabay ang covid-19 pandemic at problema sa ASF.

Tiniyak rin nito na kahit ang mga hindi insured na alagang baboy ay may pondo para sa ito kung saan mula sa P5.3M ay nadagdagan ng walong milyong piso.

Maliban dito, hihilingin rin nila sa Department of Agriculture mabigyan ng tulong ang mga epektado ng ASF.