-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagpapatuloy sa ngayon ang hot pursuit operation ng mga otoridad sa grupo ng Guirilla Front Musa ng New Peoples Army sa bauan ng Tboli, South Cotabato matapis na makasagupa ng 11th Special Forces.

Ito ang inihayag ni Capt. Chris Punzalan, compay commander ng 11th Special Forces sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Capt. Punzalan, may mga naiulat na sugatan sa panig ng mga rebelde matapos ang higit isang oras na bakbakan habang wala namang casualties sa panig ng gobyerno.

Dagdag pa ni Punzalan, bago pa ang engkwentro inireport sa kanila ang presensiya ng mga armadong NPA sa Barangay Dlanag kaya’t rumesponde ang mga ito at doon nangyari ang engkwentro.

Sa ngayon, nanawagan ang opisyal sa mga rebelde na sumuko na lamang sa gobyerno upang hindi na mahuli pa ang lahat.