-- Advertisements --

Inaresto ng Hong Kong police ang dose-dosenang mga aktibista at pulitiko na pawang mga pro-democracy supporters.

Inakusahan ang mga ito na sinusubukan nilang “ibagsak” ang gobyerno ng lungsod.

Inaresto ang grupo base sa ilalim ng controversial new security law ng kanilang bansa kung saan kasangkot sila sa isang unofficial “primary” vote upang pumili ng mga kandidato ng oposisyon bago pa ipagpaliban ang halalan sa 2020.

Sinabi ng Hong Kong’s security secretary na inaresto ang mga ito dahil sa kanilang subersibong aksiyon at galaw.

Una rito, madaling araw pa ay sinimulan na ng humigit kumulang na 1,000 pulisya ang paghahanap sa mga oposisyon sa Hong Kong kung saan 53 katao ang kanilang naaresto. (with report from Bombo Jane Buna)