-- Advertisements --
ILOILO CITY – Umaabot sa 542 housing units na para sa Yolanda victims sa Concpecion, Iloilo ang hindi pa rin nagagamit hanggang sa ngayon.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Concepcion, Iloilo Mayor Raul Banias, sinabi nito na ang mga bakanteng units ay “substandard.”
Ayon kay Banias, tatlong taon na ang nakalipas simula ng umpisahan ang nasabing proyekto ngunit hanggang sa ngayon, hindi pa rin tapos ang basic facilities kagaya ng septic tanks.
Dahil dito, hindi pinayagan ng alkalde na tirahan ng Yolanda victims ang nasabing housing units na proyekto ng National Housing Authority at ng Hercar Constructions.