-- Advertisements --
Mahigit 500,000 mga guro at empleyado ng Department of Education (DepEd) ang makikibahagi sa midterm elections sa susunod na linggo.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni DepEd Usec. Annalyn Sevilla na 531,307 officials, teachers at personnel ang makikibahagi sa nalalapit na halalan.
Sa naturang bilang, sinabi ni Sevilla na 257,304 teachers ang mapapasama sa electoral board.
Ang mga ito ay makakatanggap ng honoraria mula P2,000 hanggang P6,000 dipende sa kanilang magiging posisyon sa electoral board.
Bukod dito, magkakaroon din sila ng P1,000 travel allowance bawat isa.