Inilahad ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na base sa report ng Armed Forces of the Philippines (AFP) umabot sa 513 na estudyante at minor de edad simula noong 1999 hanggang 2019 ang nakasagupa ng mga otoridad.
Ayon kay Dela Rosa, ang mga ito ay mag-aaral na naging miyembro ng New Peoples Army (NPA), kung saan ang ilan ay napaslang, sumuko at naaresto.
Lumabas sa pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs na nahihikayat ang mga mag-aaral ng ilang mga militanteng grupo.
Ilang magulang ang lumutang sa pagdinig, kung ang kanilang mga anak ay nawala.
Aminado naman ang AFP na nahihirapan sila na maipatupad ang programa na labanan ang ginagawang panghihikayat ng mga leftist groups dahil may memorandum circular ang Department of Education (DepEd) na mahigpit na pinagbabawalan ang mga militar na makipag-engaged sa paaralan.