KORONADAL CITY – Umabot na sa higiy 500 pamilya ang nagsilikas matapos mangyari ang sagupaan ng magkaaway na grupo ng MILF sa lalawigan ng Maguindanao Del Sur.
Ito ang inihayag ni Lt. Col. Ricky Bunayog, commander ng 601st Brigade, Philippine Army sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal. Kinilala ng opistal ang mga nasawi na sina Kumander Sali,Kumander Justin Sali at isa sibilyan na tinamaan ng mga ligaw na bala.
Ayon kay Bunayog matagal nang may alitan o rido ang nagka-engkwentrong grupo ng 105th Base Command at 118th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Sitio Damabagu Brgy Barurao Sultan sa Barongis Maguindanao del Sur.
Dahil sa palitan ng putok ay lumikas ang mga residente patungo sa mga ligtas na lugar sa takot na madamay.
Sa ngayon, pumagitan na AFP, PNP at GPH-MILF-CCCH sa magkaalitang grupo upang mahinto na ang away.
Matagal na anyang naayos ang awayan ng mga lider ng dalawang Base Command ng MILF ngunit muling nagka-engkwentro.
Sa ngayon nakadeploy na ang tropa ng mga sundalo upang di na maulit pa ang engkwentro. Maliban sa nabanggit na grupo, patuloy din na binabantayan ng mga sundalo ang ginagawang pagsalakay ng BIFF sa mga detachment ngayong holiday season.