-- Advertisements --
MV Grand Princess covid crew califonia OFW
MV Grand Princess (photo grab from California National Guard)

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may mga sakay na Filipino crew members ang MV Grand Princess na naka-hold ngayon sa San Francisco, California dahil sa pagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) ng ilang sakay nito.

Ayon sa DFA, tulad ng bilang sa MV Diamond Princess sa Yokohama, Japan, papalo sa 530 hanggang 540 ang mga Filipino crew ang sakay ng nasabing barko.

Ito ay mula sa kabuuang bilang na 1,111 crew members.

Inaalam na rin ng DFA kung may mga Pilipinong pasahero rin na sakay ng barko.

Sinasabing may ilang mga pasahero at crew na hindi pa mabatid ang nationalities ang nakikitaan ng sintomas ng naturang deadly virus at patuloy silang sumasailalim sa pagsusuri mula sa nasabing barko.

Kumilos na rin ang California para masuplayan ng test kits ang mga nasa barko.

MV Grand Princess California crew COVID
MV Grand Princess (photo grab from California National Guard)