Umakyat na sa 510 sibilyan ang napatay ng security forces sa loob ng dalawang buwan simula nang ipinatupad ang kudeta sa Myanmar.
Ngunit sa kabila ng pagdami ng mga namatay, hindi natinag ang mga protesters at patuloy pa ring ipinapanawagan sa militar na palayain si Aung San Suu Kyi.
Patuloy pa ring kinokondena ng White House at ilang defense minister ang karahasan na ginagawa ng military junta.
Ipina-panawagan ni U.N. Secretary-General Antonio Guterres sa mga heneral ng Myanmar na tapusin na ang pagpatay sa mga raliyesta na nagsasagawa ng peaceful protest.
Napag-alaman na maliban sa pamamaril, gumamit na rin ng grenade launcher ang mga sundalo kontra sa mga protesters upang paghiwa-hiwalayin ang pangkat ng mga tao. (with report from Bombo Jane Buna)