Pumalo na sa mahigit 5,000 mga tambay ang inaresto ng NCRPO sa limang araw na operasyon mula alas-5:00 ng umaga ng June 13 hanggang alas-5:00 ng umaga ng June 18,2018.
Sa inilabas na datos ni NCRPO chief, Chief Supt. Guillermo Eleazar sa ilalim ng Northern Police District nasa 708 ang pinaghuhuli, nasa Eastern Police District ang pinakamarami na umaabot sa 1,805, habang sa Manila Police District ay naitala ang 709, habang sa Southern Police District ay lomobo pa sa 1,427 na bilang at sa operasyon ng Quezon City Police District ay nasa 926.
Sa ngayon mayroon ng kabuuang 5,575 na mga tambay ang inaresto ng NCRPO.
Tiniyak naman ni Eleazar na maingat ang mga pulis sa pag-aresto sa mga indibidwal na hindi nalalabag ang kanilang karapatang pantao.
Samantala, dinepensa naman ni PNP chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde ang paratang na tila mala martial law ang ginagawa nilang pag-aresto sa mga tambay.
Ayon kay Albayalde ang mga inaarestong ng mga pulis ay may mga ginawang paglabag sa mga local ordinances ng mga siyudad.
Naging kontrobersyal na lang anya ang salitang tambay dahil sa inilabas na utos ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, ginamit lang ang salitang tambay para ilarawan ang mga lumalabag sa mga lokal na ordinansa.
Sinabi nito kung may aabuso anyang pulis maaring magsumbong ang publiko sa PNP Human Rights Affairs Office, Napolcom at PNP Internal Affairs Service.
Aminado rin si Albayalde na posibleng may mga indibidwal na mananamantala sa ginagawa nilang Anti-Tambay operasyon ng gaya ng nangyari sa Oplan Tokhang.
Pero sioniguro nito nakahanda ang PNP dito at kanilang sisiguraduhin na hindi magtatagumpay ang mga nasa likod na may mga balak nang masama.