-- Advertisements --

Aabot na sa mahigit 50,000 na indibidwal ang naitalang naapektuhan ng mga pag-ulan at baha na sanhi ng umiiral na shearline.

Batay sa datos ng DSWD, pumalo na sa 13,192 pamilya ang apektado ng kalamidad na nanalasa sa Bicol at Western at Central Visayas katumbas ng mahigit 55,000 indibidwal.

Sumampa na rin sa 431 na pamilya o 1,445 indibidwal ang kasalukuyang namamalagi ngayon sa mga itinalagang evacuation centers sa mga lugar na naapektuhan.

Nasa 26 na pamilya na ang nakikituloy ngayon sa kani-kanilang mga kamag-anak matapos na maapektuhan ng kalamidad.

Tiniyak naman ng Department of Social Welfare and Development na magtutuloy-tuloy ang kanilang tulong sa mga apektadong lugar.

Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan at NGOs para masigurong mabibigyan ang lahat ng mga nasalanta ng kalamidad.