-- Advertisements --
VAX
IMAGE | Usec. Cabotaje’s presentation/Screengrab, DOH

MANILA – Aabot na sa 514,655 na mga Pilipino ang fully vaccinated laban sa COVID-19 matapos makatanggap ng dalawang doses ng bakuna.

Batay sa pinakabagong datos ng Department of Health (DOH), as of May 11, tinatayang 2,539,693 doses ng bakuna na ang naiturok sa bansa.

Ang 2,025,038 sa mga ito ay ibinigay bilang unang dose.

Pinakarami nang nakakumpleto ng dalawang doses ang mula sa hanay ng healthcare workers na aabot 355,242.

Sumunod ang grupo ng mga may comorbidity na nasa 134,343; at mga senior citizens na may 25,070 na fully vaccinated na rin.

May 8,916 naman mula sa A4 priority group o frontline personnel ng essential sector ang nabigyan ng unang dose.

Sa kabuuan, mayroong 7,764,015 doses ng COVID-19 vaccine ang Pilipinas. At may 1,047 vaccination sites na aktibong nagro-rolyo ng mga bakuna.

VAX3
IMAGE | Usec. Cabotaje’s presentation/Screengrab, DOH

Aminado si Health Usec. Myrna Cabotaje, chairperson ng National Vaccination Operations Center, na may porsyento pa rin ng priority group mula A1 hanggang A3 na hindi nababakunahan laban sa COVID-19.

“Sa A1 (healthcare workers) may 23% na hindi pa nabakunahan. Many of these are from other regions kasi nag-prioritize tayo sa NCR. Sa A2 (senior citizens) naman 466,000 o 6% pa lang na nabakunahan.”

“Karamihan ng A2, A3 (individuals with comorbidity na nabakunahan) ay dito lang sa NCR, Calabarzon at Region 3 kasi sila ang binuhusan natin ng bakuna.”

Ayon kay Cabotaje, tinatayang 1.5-million ang naka-masterlist na healthcare workers, at 7.7-million sa grupo ng senior citizens.

Target ng pamahalaan na mabakunahan laban sa COVID-19 ang 70-million na Pilipino ngayong taon.

Umaasa ang opisyal na sa pagdating ng mga karagdagang supply ng bakuna, mas maraming indibidwal pa ang magpapaturok ng COVID-19 vaccine.

“With the AstraZeneca and continued Sinovac doses maku-kumpleto na natin yung ating A1 at A2.”