-- Advertisements --

Sumampa na sa kabuuang 54,203 ang bilang ng mga magsasaka sa bansa na apektado ng El Niño Phenomenon.

Ito ang kinumpirma mismo ng pamunuan ng Department of Agriculture sa mga kawani ng media.

Batay sa datos ng ahensya, lalo pang dumami ang mga rehiyon sa Pilipinas na naaapektuhan ng matinding init ng panahon.

Kabilang na rito ang Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at Soccsksargen.

Samantala, aabot naman sa kabuuang ₱2.63-billion ang halaga ng pagkalugi sa produksyon sa mahigit 53K na ektarya ng lupa na apektado ng tagtuyot.

Pinakaapektado ng naturang weather condition ang produksyon ng palay kung saan aabot na sa 34,264 ektaryang sakahan ang napinsala.

Ito ay katumbas ng aabot sa 3.57% ng total target area.

Aabot rin sa 16,956 ektarya ng sakahan ng mais ang napinsala dahil sa tag-init.

Tiniyak naman ng pamunuan ng DA na patuloy silang magbibigay ng kaukulang tulong pinansyal sa mga apektadong magsasaka na aabot na sa higit isang bilyong piso.