-- Advertisements --

dotr5

Sumampa na sa kabuuang 56,178 mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) ang nakatanggap ng libreng sakay mula sa pamunuan ng MRT-3 kahapon, August 16,2021.

Ang libreng sakay ng MRT-3 para sa mga APOR ay nagsimula ang implementasyon ng Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, kinakailangan lamang ipakita ng pasahero ang vaccination card at ID, katulad ng company ID, na nagpapatunay na kabilang ito sa APOR na maaaring lumabas sa pampublikong lugar na itinakda ng IATF.

Nilinaw din ng DOTR na ang mga APOR na nakapagpabakuna ng first o second dose ay kwalipikado upang makatanggap ng libreng sakay.

Magtatagal ang pagbibigay ng libreng sakay para sa mga APOR hanggang August 20,2021.

Ang inisyatibong ito ay direktiba ni DOTr Sec. Art Tugade upang hikayatin ang mga pasahero na magpabakuna at matulungan ang mga ito sa pagbiyahe sa panahon ng pandemya.

Iniulat din ng DOTR MRT-3 na as of August 16, 2021, nasa 90,580 pasahero na ang kanilang napagsilbihan at nakapagtala ng average number ng 19 running train sets at peak hours, kabilang dito ang 19 CKD train sets.

Wala naman naitalang unloading incident o nagka aberya ang tren.

Samantala, dumating na sa MRT-3 depot ang mga bagong components na auxiliary pole-2, at equipment na negative return panel, na bahagi ng power supply at distribution system ng linya.

Ang auxiliary pole-2 ay bahagi ng electrical switch, samantalang ang negative return panel naman ang kumokolekta ng sobrang kuryente mula sa riles ng linya, upang hindi ito mastressed out.

Mahalaga ang mga kagamitang ito para mapanatiling ligtas ang supply at distribution ng kuryente sa buong linya at iwas-aberyang operasyon ng MRT-3.