-- Advertisements --

Pumalo sa 1,888 na bagong infections ng Coronavirus Disease (COVID) ang naitala sa magdamag.

Ayon sa Department of Health, ito ang dahilan para umakyat sa 561,169 ang kabuuang bilang ng deadly virus ngayong Linggo ng hapon.

Nasa 20 naman ang nadagdag sa mga nasawi, dahilan upang umakyat na sa 12,088 ang death toll.

Gayunman, nakapagtala rin naman ng 9,737 new recoveries kaya mayroon nang 522,843 ang mga survivor sa COVID.

Dahil dito, mula sa 34,100, ay bumaba sa 26,238 ang active cases ng COVID sa Pilipinas.