-- Advertisements --

Mula sa 4,478 kahapon, tumaas sa 5,735 ngayong Huwebes ang bagong dagdag na kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.

Sa tala ng Department of Health (DOH) nitong alas-4:00 ng hapon, umakyat na sa kabuuang 1,572,287 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas kung saan 56,273 o 3.6 percent ang aktibong kaso.

Sa ilalim ng lingguhang “Oplan Recovery,” inulat ng DOH ang 4,069 na bagong recoveries kung saan nasa 1,488,437 na ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID.

Nasa 27,577 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos madagdagan ngayong Huwebes ng 176.