Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng bagong 5,823 na karagdagang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Nasa 4,748 naman ang naitalang bagong gumaling habang 283 ang pumanaw.
Ang naturang bilang ng mga namatay ay ang pang-siyam na pinakamarami sa single day tally ng DOH.
Ito rin ang pinakamataas mula noong Setyembre 17.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 2.4 percent (66,838) ang aktibong kaso, 96.1 percent (2,637,531) na ang gumaling, at 1.51 percent (41,520) ang namatay.
Sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 20, 2021 habang mayroong dalawang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng dalawang laboratoryo na ito ay humigit kumulang 1.6 percent sa lahat ng samples na nai-test at 1.6 percent sa lahat ng positibong mga indibidwal.