KORONADAL CITY- Umakyat na sa 16 ang patay habang 25 ang sugatan sa mga miyembro ng BIFF at Daulah Islamiyah sa serye ng bakbakan sa Datu Saudi Ampatuan at iba pang mga bahagi ng lalawigan ng Maguindanao . Ito ang kinumpirma ni Lt/Col. John Paul Baldomar taga pagsalita ng 6ID, Phil.Army sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Baldomar, bahagyang humina na ang pwersa ng mga rebeldeng grupo sa nasabing lalawigan dahil di na nagtatagal ang mga ito sa pakikipagbakbakan sa militar
sa katunayan , nag sanib pwersa na diumano ang rebeldeng Daulah Islamiyah at BAngsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa kanilang engkwentro laban sa militar.
Umabot naman sa mahigit 5,000 na mga pamilya ang apektado sa gitna ng engkwenro ng mga rebeldeng grupo at militar dahil sa nagtatago ang mga rebelde sa mga kabahayan ng mga civilian.
Masuwerte naman na walang naitalang fatality sa mga militar ngunit 2 ang bahagyang nasugatan sa AFP at ngayon ay nagpapagaling na sa kampo at , unti unti nang bumabalik ang mga residente sa mga lugar na naipit sa kaguluhan na sanhi ng terrorismo.