ILOILO CITY – Umabot na sa 1,771 pamilya o 6,523 indibidwal ang naaapektuhan ng Bagyong Betty sa Western Visayas.
(CINDY)
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Ms. Cindy Ferrer, spokesperson ng Office of the Civil Defense Region 6, sinabi nito na batay ito sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ayon kay Ferrer, nagmula ang mga apektadong residente sa 19 na barangay sa Antique, at 19 rin na barangay sa Negros Occidental.
Nasa 4,010 na mga indibidwal o 1, 229 na mga pamilya ang nagsawa ng pre-emptive evacuation.
Sa nasabing bilang, 3, 659 na mga indibidwal ang nagmula sa Negros Occidental, 255 sa Antique at 96 sa Capiz.
Habang ang iba pang apektadong residente ay pansamantalang tumutuloy sa kanilang mga kaanak.
Apektado naman ang operasyon ng 25 pantalan sa ilang rehiyon kung saan 6 dito sa Antique, 7 sa Iloilo, 5 sa Negros Occidental, 2 sa Guimaras at 5 sa Capiz.
Samantala, anim na mga bahay naman ang nasira sa rehiyon kung saan 4 dito sa Antique at 2 naman sa Negros Occidental.
Umaabot naman sa 649, 751 na mga food packs ang naipamigay sa mga apektadong ng bagyo sa rehiyon partikular sa Negros Occidental.
Samantala suspendido naman ang pasok mula pre-school hanggan high school sa Iloilo City at sa mahigit20 mga bayan sa Iloilo Province.