-- Advertisements --

Pumalo na sa 60,285 pamilya o nasa 218,400 katao ang apektado at nagsilikas bunsod sa pananalasa ng Bagyong Ambo.


Ito ay base sa datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ang mga nagsilikas ay mula sa 173 lungsod at bayan buhat sa 36 na mga lalawigan sa mga rehiyon ng Cagayan Valley, Gitnang Luzon, Cordillera at Eastern Visayas.

Ayon sa NDRRMC, nakabalik na sa kani-kanilang mga tahanan ang lumikas na mga residente na apektado ng Bagyong Ambo sa ilang lugar sa Luzon at Visayas.

Kahit naka-uwi na ang mga nagsilikas sa kanilang mga bahay, patuloy pa rin ang paghahatid sa kanila ng tulongng mga local government units.

Nasa 95 mga gusali ang napinsala sa Bicol at Eeastern Visayas kung saan, karamihan sa mga ito ay mga Health Facility kabilang na ang Bicol Regional Diagnostic Lab na siyang nangangasiwa sana sa COVID 19 Testing sa rehiyon.

Iniulat din ng NDRRMC na nasa mahigit 7,000 kabahayan ang nawasak dahil sa bagyo sa Eastern Visayas.