-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Namagitan na ang iba’t ibang mga ahensya ng gobyerno upang maresolba at masolusyunan ang alitan ng dalawang tribo dahil sa agawan sa lupa sa Surallah, South Cotabato.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Surallah Municipal Disaster Risk Reduction and Management officer Leonardo Ballon, nasa 13 pamilyang ang lumikas o higit 60 indibidwal mula sa apat na sitio ng Barangay Colungulo sa nabanggit na bayan.

Ayon kay Ballon, pansamantalang tumuloy ang mga ito sa bahay ng barangay captain at barangay kagawad ng nabanggit na lugar.

Ang nasabing mga sitio ay kinabibilangan ng Sitio Lamfugon, Kapikong, Datal Samlon at Sepak.

Dagdag pa nito, nabigyan na ng paunang tulong ang mga bakwit at isinailalim na rin sa sa stress-debriefing ng MSWDO ang mga babaye at mga batang bakwit dahil sa nasabing rido.

Napag-alamang nagsimula ang gulo matapos na mapaslang ang sitio leader ng Lamfugon noong Pebrero 28 at ginantihan ang suspek sa nasabing krimen.