-- Advertisements --

Umabot sa higit sa 60 mga sasakyan ang naisyuhan ng citation tickets ng mga kawani ng Metropolitan Manila Development Authority Special Operations Group-Strike Force.

Ito ay kaugnay sa kanilang isinagawang clearing operations sa Mabuhay Lanes na nagsisilbing alternatibong ruta sa Metro Manila.

Habang 18 namang mga sasakyan ang kanilang nahatak sa kahabaan ng Roxas Blvd Service Rd., J.W Diokno Blvd.. Gil Puyat Ave. Zobel Roxas St., at Osmeña Highway.

Sa kanilang isinagawang operasyon ay inalis nila ang mga obstruksyon sa daan, partikular na ang mga sasakyan na iligal na nakaparada upang lumuwag ang mga kalsada at maayos na madaanan ng mga motorista.

Habang patuloy naman ang paalala ng MMDA na huwag gawing parking space ang pampublikong lansangan upang hindi maging sabagal sa daloy ng trapiko.