-- Advertisements --

Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mahigit 600,000 pamilya ang nakaabot sa self-sufficiency sa pamamagitan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ayon kay Marcos, nakatulong ang programang ito sa edukasyon at kalusugan ng mga bata sa pamamagitan ng conditional cash grants. Noong nakaraang taon, mahigit 4 milyong kabahayan ang natulungan ng 4Ps.

Samantala, inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang “Kaagapay Donations Portal,” isang digital platform para mapadali ang pagpapadala ng donasyon sa mga nangangailangan.

Bukod dito, ipinakilala rin ng DSWD ang isang ‘virtual one-stop-shop’ para sa mas mabilis na proseso ng kanilang regulatory services, kabilang ang mas pinadaling aplikasyon para sa travel clearance ng mga menor de edad na aalis ng bansa.