-- Advertisements --

Mahigit 600 pulis na ang na-dismiss sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa iligal na droga.

Ito ang kinumpirma ni PNP Chief Gen. Debold Sinas.

Ayon kay Sinas, sa kabuuan nasa 617 ang mga Police personnel ang na dissmiss sa serbisyo mula July ng 2016 hanggang March 24, 2021.


Sa nasabing bilang, 20 dito ang police commissioned officer, 584 ang non-commissioned officer at 13 ang non-uniformed personnel.

Ayon kay Sinas, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa ilan pang mga PNP personnel na hininalang may kinalaman o sangkot sa ilegal na droga.


Samanatala , sa datos ng PNP mula July 2016 hanggang March 24,2021 nasa 4,974 ang bilang ng mga nadismiss sa serbisyo dahil sa ibat ibang kaso.

943 naman ang na demote o bumaba ang ranggo. 8,806 ang nasuspinde , 716 ang na forfeit ang sweldo, 1,973 ang nareprimand, 132 ang nabigyan ng restriction at nasa 242 ang di na binigyan ng pribilehiyo.

Sa kabuuan, nasa 17,786 errant cops ang na penalize sa PNP internal cleansing campaign.

Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Ildibrandi Usana ang 17,786 personnel na pinatawan ng parusa ay sangkot sa illegal drug trade,grave misconduct, serious neglect of duty, abuse of authority,irregularities, at human rights violations.

Una ng ipinag-utos ni PNP chief sa mga commanders na magsagawa ng surprise drug testing sa kanilang mga tauhan.