-- Advertisements --

ILOILO CITY – Hinihintay na ang resulta ng test na isinagawa sa mahigit 600 vendors sa Passi City Public Market sa sumailalim sa RT-PCR test matapos magkahawaan ng COVID-19 ang pitong mga nagtitinda sa palengke.

Ang lungsod ng Passi ay component city ng Iloilo Province.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Passi City Mayor Atty. Stephen Palmares, sinabi nito na isang empleyado ng Passi City Hall na nagmamay-ari ng kiosko ang nakahawa ng COVID-19 sa mga vendors.

Naka-lockdown na rin ayon sa alkalde ang Passi City Public Market upang isailalim sa disinfection.