-- Advertisements --
vax vaccination COVID HCW nurses

Umakyat na naman sa mahigit 6,000 ang mga bagong nadagdag na kaso ng COVID-19 sa isang araw sa Pilipinas matapos na iulat ngayon ng Department of Health (DOH) ang naitalang 6,192 na karagdagang kaso.

Kaugnay nito, nasa 1,424,518 na ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng virus sa bansa mula noong nakalipas na taon.

Sa naturang bilang nasa 94.4 precent ang gumaling na o katumbas yan ng 1,344,063.

Ayon naman sa DOH umabot naman sa 2,212 ang mga bagong nakarekober sa sakit.

Gayunman, nadagdagdan na naman ang mga aktibong kaso ngayon sa Pilipinas na nasa 55,484.

Samantala, marami rin naman ang mga bagong nadagdag na namatay nang maitala ng DOH ang 177.

Dahil dito ang death toll sa Pilipinas bunsod ng deadly virus ay lomobo pa sa 24,973.

Sa kabila nito meron namang apat na mga laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

“11 duplicates were removed from the total case count. Of these, 8 are recoveries and 1 is a death. Moreover, 12 cases previously tagged as recoveries have been validated to be active cases and 102 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation,” bahagi pa ng advisory ng DOH. “All labs were operational on June 30, 2021 while 4 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 4 non-reporting labs contribute, on average, 0.05% of samples tested and 0.25% of positive individuals.”