Aabot sa mahigit 600k na halaga ng substandard na sigarilyo ang matagumpay na nakumpiska ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group sa Valenzuela City.
Nagresulta ang kanilang ikinasang entrapment operation sa pagkaka aresto ng limang indibidwal .
Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group Director Police Maj. Gen. Nicolas Torre III, nag-ugat ang operasyon matapos na makumpirma sa kanilang intelligence reports ang pagkakasangkot ng limang akusado sa pagbebenta ng naturang produkto.
Agad silang nagkasa ng entrapment sa Barangay Maysan na nagresulta sa pagkaka aresto sa kanila.
Nabawi sa pang-iingat ng mga ito ang three vehicles, 60 master cases ng substandard cigarettes na may tinatayang market value na ₱600,000.
Hinimok naman ni Torre ang publiko na iulat kaagad sa kanila ang mga ilegal na bentahan ng sigarilyo at iba pang tobacco-related violations na kanilang mamomonitor.