-- Advertisements --
Kinumpirma ng Office of the Civil Defence na aabot sa mahigit kalahating milyong indibidwal o katumbas ng halos dalawang daang libong pamilya ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine sa Eastern Visayas.
Sa datos ng ahensya, ito ay may kabuuang 667,763 katao o 174,361 na pamilya.
Mula sa nasabing bilang ng mga apektadong indibidwal, ang 209,000 katao dito ay mula sa Northern Samar.
Karamihan sa mga bayan sa nasabing lalawigan ay binahang muli matapos ang malakas na ulan.
Ikinagalak naman ni Josh Echano, Northern Samar Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer na wala silang naitalang nasawi matapos ang pagtama ng bagyo.