-- Advertisements --
covidpnp

Higit 67,000 Police personnel na ang fully vaccinated laban sa Covid-19. Ito ang iniulat ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar as of August 11,2021.

Ayon kay Eleazar, batay sa datos ng PNP Health Service nasa 67,498 o 30.47 % na ang fully vaccinated na mga police personnel habang 66,968 o 30.38% na ang nakatanggap ng first dose.

Sa ngayon nasa 87,040 o 39.29% police personnel ang hindi pa nababakunahan.
“Sa pagdating ng mga karagdagang mga bakuna sa bansa, umaasa po tayo na sa mga susunod na buwan ay fully vaccinated na po ang buong kapulisan”, wika ni Eleazar.

Ayon kay PNP Chief, as of Wednesday, nasa 77 PNP personnel ang naka recover sa Covid-19 infections kung saan umaabot na sa kabuuang 29,899 ang total recoveries sa PNP.

Nakapagtala din ang PNP ng 114 new cases kung saan nasa 1,812 ang active cases mula sa kabuuang 31,799 infections na naitala mula ng magsimula ang pandemya.

Nagpa-abot naman ng pakikiramay si Eleazar sa pamilya ng nasawing police officer mula sa Oriental Mindoro dahil sa Covid-19 infection.

Sinabi ni PNP Chief ang ika-88th fatality ng PNP dahil sa Covid ay isang 48-anyos na Lieutenant Colonel na nagpositibo sa virus nuong Augusr 7 at agad ito naisugod sa hospital, pumanaw ito dahil sa Acute Respiratory Distress Syndrome.

Batay sa ulat naturukan na ng first dose ng Covid-19 ang nasabing pulis nuong July 23 subalit nahawahan pa rin ito ng virus.