CAGAYAN DE ORO CITY – Kasado ang Department of Labor and Employment (DOLE 10) kasama ang higit 170 na local at overseas employers upang bigyan pagkakataon makapag-trabaho ang libu-libong job seekers sa mismong aniberasryo ng Labor Day celebration sa Pilipinas sa Mayo 1.
Sinabi ni DOLE 10 regional director Atty. Joffrey Suyao na alinsunod ito sa kanilang ilulunsad na malaking job fair sa limang probinsya ng rehiyon sa nabanggit na selebrasyon.
Inihayag ni Suyao na sa 171 na domestic at overseas companies na maghahanap ng mga bagong mga empleyado, nasa sobra pitong libong bakanteng posisyon ang mapagpilian ng mga aplikante sa kasagsagan ng isang araw na selebrasyon.
Dagdag ng opisyal na particular sa Cagayan de Oro, isagagawa ito sa isang malaking mall kung saan 103 na employers ang magbukas ng job opportunities para sa mga aplikante upang mapalakas ang employment rate sa bahagi ng Northern Mindanao.
Magugunitang lagi kinilala ng gobyerno ang malaking papel ng mga manggagawa dahil kung wala ang nasabing sector ay hindi kumpleto ang paggalaw ng isang ekonomiya katulad dito sa Pilipinas.