-- Advertisements --

ILOILO CITY – Umaabot sa 700 mga bahay ang nalubog sa tubig baha kasunod ng walang humpay na buhos ng ulan sa Iloilo City.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Rizaldo Portillo, residente ng Barangay Camalig, Jaro, Iloilo City, sinabi nito na pinasok ng tubig baha ang kanilang mga bahay kung saan nagdulot ito ng perwisyo sa mga residente.

Anya, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ito humuhupa ang tubig baha kung saan maging ang mga kalsada ay umaapaw rin ang tubig.

Samantala, maging ang San Miguel, Buenavista, Guimaras ay lubog rin sa tubig baha.