Matagumpay na nailigtas ng Water Search and Rescue Team ng 502nd Infantry Brigade ng Philippine Army sa Sto. Tomas, Isabela, ang mahigit 700 indibdiwal.
Sa datos na inilabas ng Northern Luzon Command, nasa 282 katao ang na-rescue sa Barangay San Vicente, 97 sa Barangay Malapagay, 65 sa Barangay Calanigan Norte, 63 sa Barangay Canogan Norte, 56 sa Barangay San Roque, 53 sa Barangay Calinaoan Norte, 38 sa Barangay San Rafael De Bajo, 33 sa Barangay San Rafael Alto, 28 sa Barangay Antagan habang, tig-walo mula sa mga Barangay Bulinao at Poblacion.
Nasa 50 indibidwal naman ang nailigtas ng mga tauhan ng Tactical Operation Group-2 ng Philippine Air Force sa Barangay Alanguigan, Ilagan City, Isabela.
Tuloy-tuloy din sa pamamahagi ng tulong ang Disaster Response Unit ng 95th Infantry Battalion sa mga lumikas na residente sa bayan ng Benito Soliven.
Na-rescue rin ng mga sundalo ang nasa 19 na mindibdwal matapos malubog sa tubig baha ang kanilang tahanan.
Habang nasa 4,000 foodpacks sa Alibagu, Ilagan City ang patuloy na nire-repack ng mga Reservists mula sa 202nd Community Defense Center.
Ang 5th Infantry Division ng Philippine Army ang nangunguna sa ongoing search, rescue and retrieval operations sa mga apektadong lugar probinsiya ng Isabela.