Ilang paaralan pa rin sa bansa ang nananatiling bakas ang iniwang epekto ng baha at nagsisilbing evacuation centers ng mga residenteng lumikas dahil sa bagyong Carina.
Dahil dito , aabot sa 738 na mga paaralan sa ilang rehiyon sa bansa ang hindi pa makapag sisimula ng klase sa Hulyo 29 , 2024.
Kabilang sa mga rehiyong ito ay Region 3, Region 7, Cordillera Administrative Region, at maging ang National Capital Region na nasa ilalim pa rin ng State of Calamity.
Sa kasalukuyang datos ng Department of Education, aabot sa mahigit 200 na mga paaralan ang binaha habang nasa mahigit 400 ang kasalukuyang tinutuluyan ng mga bakwit.
Pumapalo naman sa higit 12k ang mga paaralan sa animnaput limang mga dibisyon sa sampung rehiyon ang naapektuhan ng bagyong Carina.
Ayon naman Kay DepEd Sec. Sonny Angara, hanggat maaari ay hindi dapat maantala ang pagbabalik ng klase upang hindi maapektuhan ang karunungan ng mga mag-aaral.