Mahigit 7,000 overseas Filipino workers (OFWs) na-stranded bunsod covid19 pandemic ang nakatakdang umuwi sa bansa ngayong buwan ng Agosto sa ilalim ng repatriation program ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Sa virtual press briefing, sinabi ni Foreign Affairs Usec. for Migrant Workers Affairs Sarrah Arriola na kabuuang 7,060 OFWs ang naka-schedule para sa repatriation ngayong buwan.
Mayroong mahigit 400,000 OFWs na ang napauwi sa bansa mula ng simulan ang repatriation program noong February 2020 na kinabibilangan ng mga 303, 304 land based at 105,607 sea based overseas Filipinos na nag-expire na ang kanilang kontrata at visa, vulnerable OFWs gaya ng mga pregnant na kababaihan at may medical conditions.
Ayon sa opisyal ilan sa mga challenges sa repatriation ng mga OFWs ay ang ipinapatupad na 2,000 daily passenger cap ng pamahalaan, limitasyon sa quarantine facilities at mataas na positivity rates sa ilang flights.
Samantala, nasa 95% na ng mga repatriated OFWs ng $200 o P10,000 reintegration financial assistance sa ilalim ng repatriation program ng DFA.