-- Advertisements --

Umabot na sa mahigit 74,000 katao ang apektado ng pagsabog ng Bulkang Bulusan kamakailan, ayon ‘yan sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Batay sa kanilang progress report, tinatayang 14,830 pamilya mula sa 51 barangay sa lalawigan ng Sorsogon ang naapektuhan ng pagputok ng bulkan nitong Lunes.

Nagsagawa na ng aerial assessment ang mga kinatawan mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Sorsogon, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Bulusan, at Office of Civil Defense sa rehiyong Bicol upang matukoy ang lawak ng pinsala sa mga apektadong lugar.

Ayon sa NDRRMC, 13 barangay sa Sorsogon ang nakaranas ng ash fall na mula sa pagsabog ng bulkan.

Nananatili parin sa Alert Level 1 ang Bulkan ng Bulusan at may posibilidad ng mga sumunod pang phreatic na pagsabog.