Nasa 746 na pulis ang naapektuhan sa malawakang pagbaha sa Cagayan dulot ng paghagupit ng bagyong Ulysses.
Ayon kay PNP chief General Debold Sinas, agad niyang ipinag-utos na mabigyan ng tulong ang mga pulis at ang kanilang mga pamilya.
Nabigyan na rin ng tig-P5,000 ang 746 pulis para panimula sa repair ng kanilang nasirang bahay.
Sinabi ni Sinas, mahalaga na agad natutulungan ang pamilya ng mga pulis na apektado para mas makapag-perform sila ng maayos sa kanilang trabaho sa panahon ng kalamidad.
Nagpapatuloy pa rin sa ngayon ang search and retrieval operation ng mga pulis sa Cagayan.
Naka-deploy pa rin aniya sa Cagayan ang dalawang helicopters ng PNP, 11 rubber boats ng PNP maritime, dalawang platoon ng PNP Special Action Force, tatlong ambulansya at limang PNP trucks.
Siniguro naman ni Sinas na sa harap nang patuloy na pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo sumusunod ang mga pulis sa ipinatutupad na minimum health protocols dahil nasa COVID-19 pandemic pa rin ang bansa.