ILOILO CITY – Umaabot sa 77.80% na mga barangay sa Western Visayas ang drug cleared na.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Shey Tanaleon, tagapagsalita ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region VI, sinabi nito na ang nasabing data ay ayon sa kanilang ginagawang imbestigasyon noong nakaraang buwan sa bawat probinsya at highly urbanized city sa rehiyon.
Sa kanilang tala, ang pinakamaraming drug cleared na barangay ay sa Iloilo Province na umaabot sa 1,579.
Sinusundan ng 588 sa Antique, 323 sa Capiz, 316 sa Aklan, 174 sa Negros Occidental, 83 sa Iloilo City, 81 sa Guimaras at 10 sa Bacolod City
Ayon kay Tanaleon, ang susunod na deliberasyon nga ahensya ang gaganapin ngayong buwan ng Oktubre kung saan kanilang tututukan ang Bacolod City at Negros Ocidental.