-- Advertisements --

Nadiskubre ang nasa mahigit 750 unmarked grave o libingan ng mga batang estudyante sa isang site malapit sa dating Catholic boarding School na Marieval Indian Residential School sa Canada.

CANADA GRAVES

Nagsimula ang paghuhukay sa Marieval school nitong katapusan ng Mayo matapos na madiskubre ang mga labi ng nasa 215 ng mga batang estudyante sa isang dating paaralan sa British Columbia.

Ayon kay Cowessess chief Cadmus Delorme, na hindi ito mass grave site, unmarked graves ito ng mga katutubong mga batang estudyante ang mga nakalibing.

Maaari aniyang nalagyan ng mga marka noon ang mga puntod subalit pinatanggal ng kinatawan ng simbahan ang mga headstone kung saan para sa Canada ito ay isang krimen at itinuturing ang lugar bilang crime site.

Ang Marieval Indian Residential School ay pinamamahalaan ng simbahang Romano Katoliko mula 1899 hanggang 1997 na matatagpuan sa Southeastern Saskatchewan, Canada.

Tinatayang 6,000 mga bata ang namatay habang nag-aaral sa naturang paaralan dahil sa health conditions, naranasang physical at sexual abuse ng mga school authorities.