Nasa mahigit walong libong mga benepisyaryo sa. Dumaguete city at Tacloban city ang makikinabang sa ipinamahaging mga titulo ng lupa ni Pangulong Ferdinand Marcos jr ngayong araw.
Ayon sa Department of Agrarian Reform na kabuuang 2,866 na ektaryang lupang sakahan ang ipinamigay sa dumaguete city habang 5438 namang titulo ng lupa ang ipamamahagi sa Tacloban City.
Bukod sa mga titulo ng lupa, mayroon ding itinurn over ang pangulo na 100milyong pisong halaga ng farm to market roads sa dumaguete city habang P17.5 milyong pisong halaga ng mga makinang pambukid at equipment sa siyam na agrarian reform beneficiaries’ organizations.
Kabilang sa ipinamahagi ay mga traktora, tricycles, floating tillers, grass cutters, food dehydrators, at corn mills.
kabilang din sa mga lugar na makikinabang sa titulo ng higit pitong libo at siyam na raang ektaryang lupain sa mga probinsiya ng leyte, biliran, southern leyte, western samar, eastern samar at northern samar.
Sinabi ng DAR tinatayang P350 milyong pisong halaga ng farm to market roads ang iti turn over sa mga bayan ng leyte, eastern samar at southern leyte.
Ang proyektong mga tulay na nagkakahalaga ng higit P78 milyong piso na iti turn over sa southern leyte, calbayog city, at eastern samar.
Habang nasa P 71 milyong pisong halaga ng apat na irrigation facilities sa northern samar, biliran at southern leyte
Nasa visayas ngayong araw si PBBM para pangunahan ang programa.