Umabot na sa mahigit 8,000 na mga indibidwal ang inilikas sa mga evacuation centers dahil sa bagyong Jolina.
Ito ay batay sa datos na inilabas ngayong araw ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, nagmula ang mga inilikas sa Bicol region, Western at Eastern Visayas.
Kasalukuyang nanunuluyan ang mga apektadong pamilya sa 46 evacuation centers.
Dagdag pa ni Timbal, sa inisyal 24 na mga bahay ang napinsala ng bagyo at may mga lugar na rin na walang suplay ng kuryente.
Sinabi ni Timbal na ang Eastern Visayas ang tinamaan ng hagupit ng bagyo kung saan anim na lugar dito ang binaha.
Sa ngayon, patuloy ang pagkalap ng datos sa mga pinsala na iniwan at sa iba pang rehiyon.
Wala namang napaulat na nasawi sa pagdaan ng bagyo.