-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Umabot na ngayo sa mahigit sa walong libong pamilya ang apektado ng malawakang baha sa dalawang bayan sa lalawigan ng North Cotabato.
Ito ang inihayag ni MDRRMO Tahera Kalantungan ng Pikit North Cotabato.
Ayon kay Kalantungan, halos lahat ng baranggay ng bayan ay lubog sa baha kaya’t marami ang nagsilikas at nanatili sa evacuation centers habang ang iba ay nasa kanilang mga kamag-anak.
Agad naman umano na namigay ng tulong ang LGU sa mga apektadong pamilya.
Nagpapasalamat naman LGU na sa kabila ng naranasan na baha ay ligtas ang lahat ng mga residente.
Samantala, nasa higit limang daang pamilya rin ang apektado ng baha sa katabing bayan nitong Kabacan North Cotabato.