-- Advertisements --

Nasa mahigit 8,000 mga pulis ang napatawan ng disiplinary action mula nang maupo ang Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto noong 2016.

Ayon kay PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde, sa bilang na ito, 2,528 ang tuluyang sinibak sa serbisyo.

Nasa 4,511 naman ang napatawan ng ng suspensyon dahil sa samu’t saring kasong administratibo.

Ang pinakahuling pinatawan ng disiplinary action ay ang 15 miyembro ng Eastern Police District-Drug Enforcement Unit (EPD-DEU) na sinibak sa puwesto dahil umano sa pangingikil at 27 miyembro Pasay Police Station 1 DEU na tanggal din dahil umano sa kidnapping.

Ang mga naturang pulis ay sasampahan ng kasong administratibo na hahantong sa pagkasibak sa serbisyo kung mapatunayang guilty.

Giit ng heneral, iilan-ilan lang ang mga “bugok” na pulis na nagpapasama sa imahe ng buong PNP kaya determinado siyang sibakin sa serbisyo ang lahat ng mga ito sa puspusang pagpapatupad ng internal cleansing campaign.