Nasa 7,881 kabuuang sasakyan ang na-impound ng PNP-HPG sa kanilang pinalakas na One Time Big Time Operations “Oplan Lambat Bitag Sasakyan.”
Ayon kay PNP chief Gen. Debold Sinas, noong Lunes, Feb.15, 2021 operations ng HPG kung saan 1,427 na mga sasakyan at motorsiklo ang na-impound dahil sa iba’t ibang violations habang nasa 371 illegal accessories ang nakumpiska sa isinagawang simultaneous nationwide anti-carnapping and road safety law enforcement operations.
Giit ni Sinas, nagkaroon ng significant increase ng 5.7% sa mga na-impound na sasakyan kumpara sa mga previous data ng “one time, big time operations.”
Nasa 6.5% naman ang naitalang pagtaas sa mga nahuhuling mga colorum na mga sasakyan.
Sa kabilang dako, ayon naman kay PNP-HPG spokesperson Lt. Col. Kimberly Molitas ang mga na-impound na sasakyan ay resulta sa isinagawa nilang 11 operasyon mula noong December 2, 2020 hanggang February 8, 2021.
Sinabi ni Molitas kabilang sa mga na-impound ang 919 motor vehicles at 5,535 motorcycles, 12 carnapping-related arrests.
Sumampa rin sa 48,000 citations ticket o tinikitan ng HPG, kung saan 15,173 paglabag sa RA 4136 o Land Transportation and Traffic Code kabilang ang 198 colorum vehicles, 7,621 lumabag sa Helmet Law, at nasa 3,361 ang nakumpiskang mga unauthorized accessories.
Binigyang-diin naman ni HPG director Brig. Gen. Alexander Tagum na batay sa datos ng Oplan Lambat Bitag Sasakyan na marami pa rin ang mga lumalabag sa batas trapiko.
Naniniwala naman si Tagum na epektibo sa pagpapatupad ng batas ang One Time Big Time (OTBT) operation para patuloy na magkaron ng awareness ang publiko sa mga ipinatutupad na traffic rules and regulations.
Layon ng HPG na i-promote lalo na doon sa mga motorista ang road courtesy and discipline, mabawasan ang banggaan sa kalye at iba pang krimen na nangyayari sa mga highways.
Hinimok naman ni Tagum ang publiko na suportahan at makiisa sa kampanya ng HPG.